Thursday, August 9, 2018

FILIPINO: Wika ng Saliksik

Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang dito sa Pilipinas tuwing buwan ng Agosto. Ipinagdiriwang ito upang maipakita ang ating pagpapahalaga sa ating sariling wika. Ang tema ngayong taong 2018 ay “Filipino: Wika ng Saliksik.” Ano nga ba ang tunay na layunin nito?

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika dito sa Pilipinas. Nais ng KWF na kilalanin at gamitin ang wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng temang ito, layunin ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng karunungan lalo na sa agham at matematika. Gusto ng KWF na gamitin natin ang wikang Filipino sa pagsasaliksik natin ng mga kaalaman. Habang pinapalago natin ang ating kaalaman sa agham at matematika kailangan din nating palaguin ang kaalaman sa Filipino, ang ating wikang Pambansa. Sa buwan na ito ay maraming mga aktibidades ang magaganap para malinang at madagdagan pa ang ating kaalaman tungkol sa wikang Filipino.


Kailangan nating pahalagahan, linangin at bigyang importansya ang ating sariling wika, ang wikang Filipino. Ayon sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda.”

Reference:

1 comment: