Thursday, November 22, 2018

“Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan ng Pamilya at Kapwa”

Tayong mga nabubuhay sa henerasyong ito ay lulong na sa paggamit ng gadyet. Aminin natin na hindi natin makakayang lumipas  ang isang araw nang hindi man lang natin nahahawakan o nagagamit ang mga ito. Tunay ngang nakakatulong ito sa paggawa natin ng ating mga asignatura at proyekto. Ginagamit din ito sa trabaho. Ngunit ang lubusang paggamit nito ay nakasisira sa ating kalusugan at nawawalan na tayo ng oras para sa ating pamilya at kapwa.

Maraming mga bagay ang naaapektuhan nang dahil sa sobra nating paggamit ng mga gadyets. Isa na rito ang kawalan natin ng oras para makapaglibang kasama ang ating pamilya. Na sa pag-uwi natin galing sa paaralan ay ang paggamit pa rin ng gadyet ang inaatupag. Na kahit tayo’y magkakasama na ay gadyet pa rin ang ating hawak-hawak. Hindi nga natin ito mabitaw-bitawan na kahit sa pagchacharge nito’y atin pa ring hawak-hawak.  Kailangan nating maglaan ng oras para sa ating pamilya dahil makakatulong ito para mapagtibay at mapatagal ang ating samahan.

Sana ay maglaan tayo ng oras para makipag-usap o makihalubilo sa ating pamilya at kapwa. Hindi masama ang paggamit ng mga gadyets ngunit ang lubusang paggamit nito na nakakalimutan na nating makihalubilo sa iba ay nakasasama na. Kailangan nating alamin ang ating limitasyon at balansehin ang paggamit nito dahil marami ang masisira nang dahil sa lubusang paggamit nito. Maging responsable sana tayo sa paggamit ng mga gadyets na ito.

No comments:

Post a Comment